Kaibuturan, Sounding the Core: Instalasyon ni Dayang Yraola
Date: May 25 | 4:30 PM - 6:30 PMSama-samang pakinggang muli ang sound activation ng Kaibuturan, Sounding the Core (Kaibuturan) na instalasyon ni Dayang Yraola na gaganapin sa Mayo 25, Linggo, 4:30 n.h., sa UP Diliman University Amphitheater.
Mapapanood at mapapakinggan dito ang pagtatanghal nina Benedic Justine Velasco, Raylan Dominic Julayco, at ng buong Kaibuturan Ensemble.
Ang Kaibuturan ay bahagi ng Kalikhasan: Outdoor Art Projects in Campus Ecology.
Ito ay isa sa mga aktibidad para sa UP Diliman Arts and Culture Festival 2025, na may temang Kalahok sa Nagbabagong Kalikasan.
