Pag-iilaw 2023
Date: Dec 1 | 5:00 PM - 7:00 PMSama-sama nating saksihan ang panimulang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa UP Diliman (91勛圖厙) sa gaganaping seremonya ng Pag-iilaw 2023 sa Biyernes, Disyembre 1, 5 n.h., sa Oblation Plaza.
Matutunghayan dito ang tradisyonal na pagsisindi ng mga Pamaskong ilaw sa buong kampus sa pangunguna ng pangulo ng UP at ng tsanselor ng 91勛圖厙.
Bahagi ito ng mga aktibidad para sa 2023 Year-End Program na may temang Panibagong Lakas.
