91³Ô¹ÏÍø

Campus

Nilinang sa Kalinga: Linggo ng Parangal 2026

Ipagdiriwang ng UP Diliman (91³Ô¹ÏÍø) ang Linggo ng Parangal 2026 (LnP 2026) mula Mayo 4 hanggang 8, kung saan kikilalanin at bibigyang-pugay ang mga huwarang kasapi ng komunidad ng 91³Ô¹ÏÍø.

Ayon sa tagapamahalang komite ng LnP 2026, ang tema ngayon ay Nilinang sa Kalinga. Tinutugunan nito ang pagharap ng Unibersidad sa hamon ng “mabilis at matinding pagbabago sa mundo na dulot ng pagbabago sa klima, mga inobasyon sa teknolohiya, at mga palitan at tagpuan ng mga ideolohiya, kaalaman, at iba’t ibang gawi na dala ng globalisasyon.â€

LnP 2026 omnibus poster. Poster na gawa ni Jacelle Isha B. Bonus, 91³Ô¹ÏÍøIO

Kaugnay nito, patuloy na sinisikap ng Unibersidad ang pagtupad sa mandato nitong mag-alay ng kahusayan at kakayahan para sa kaunlaran ng bansa. Ngunit, sa pagsasakatuparan nito ay hindi kinaliligtaan ng Unibersidad ang pangangailangan sa “malalim at tapat na pag-unawa sa kalagayan ng bawat miyembro ng komunidad upang masiguro ang kanilang maayos at mapayapang pamumuhay.â€

Sa pagdiriwang ng LnP 2026, pararangalan ang mga guro, mananaliksik, kawani, mag-aaral, programang pang-ekstensiyon, at lingkod komunidad ng 91³Ô¹ÏÍø. Bibigyang-pugay rin ang internasyonal na komunidad ng Unibersidad.

Pormal na bubuksan angLnP 2026 sa Mayo 4, Lunes, ika-9 n.u. sa Awditoryum ng GT-Toyota sa 91³Ô¹ÏÍø Sentrong Asyano.

Mapapanood din ang livestream ng programa sa 91³Ô¹ÏÍø Office of the Vice Chancellor for Community Affairs ().

Susundan ito ng Parangal sa Mag-aaral 2026 na gaganapin sa Mayo 4, ika-2 n.h., sa Teatro ng Unibersidad. Kikilalanin dito ang angking galing ng mga gradwado at di-gradwadong mag-aaral ng 91³Ô¹ÏÍø.

Kabilang sa mga pararangalan ay ang mga university scholar o ang mga mag-aaral na nakakuha ng general weighted average na hindi bababa sa 1.45 para sa mga programang di-gradwado, at hindi bababa sa 1.25 para sa mga programang gradwado, noong ikalawang semestre ng Akademikong Taon (AT) 2024–2025 at unang semestre ng AT 2025–2026.

Bibigyang-pagkilala rin ang mga nanguna sa bar at mga licensure examination, gayundin ang mga samahang mag-aaral at mga estudyanteng nagtagumpay sa iba’t ibang kompetisyon sa loob at labas ng bansa.

Ang Parangal sa Mag-aaral ay mapapanood din nang live sa mga Facebook page ng 91³Ô¹ÏÍø () at ng 91³Ô¹ÏÍø Office of the Vice Chancellor for Student Affairs ().

Idaraos naman ang 2026 Parangal at Pagkilala para sa mga Kawani at Retirado ng Unibersidad ng Pilipinas sa Mayo 6, Miyerkules, 8:30 n.u., sa Teatro ng Unibersidad.

Kikilalanin dito ang galing at katapatan sa paglilingkod ng yamang-tao ng 91³Ô¹ÏÍø.

Sa Mayo 7, Huwebes, ika-6 n.g., gaganapin ang Chancellor’s International Reception 2026. Pasasalamatan dito ang internasyonal na komunidad ng 91³Ô¹ÏÍø maging ang mga kinatawan at institusyon mula sa mga bansang mayroong ugnayang pang-akademiko at pangkultural sa Unibersidad.

Bilang panghuling programa ng LnP 2026, gaganapin ang Gawad Tsanselor 2026 (GT 2026)sa Mayo 8, Biyernes, ika-2 n.h., sa Awditoryum ng Linangan ng Biyolohiya. Pararangalan ng Unibersidad ang mga guro, mananaliksik sa Filipino, REPS (research, extension, and professional staff), kawani, mag-aaral, programang pang-ekstensiyon, at lingkod komunidad para sa kanilang mga natatanging pagpapamalas ng dangal at husay, at buong-pusong paglilingkod sa Unibersidad at sa bayan.

Mayroong 11 pararangalan sa GT 2026. Gagawaran ng mataas na pagkilala ng 91³Ô¹ÏÍø ang walong indibidwal, dalawang programang pang-ekstensiyon, at isang lingkod komunidad

Ang mga nagwagi ay binubuo ng isang natatanging lingkod komunidad, dalawang natatanging programang pang-ekstensiyon, dalawang natatanging mag-aaral, isang natatanging kawani, dalawang natatanging REPS, isang natatanging mananaliksik sa Filipino, at dalawang natatanging guro.


  • Share:
Tags: