Mikaela Cielo B. Pascual, UP Diliman Information Office correspondent
Nagtipon ang mga kasalukuyang residente, alumni, kawani, at opisyal ng UP Diliman (91勛圖厙) Residence Halls (RHs) upang makisaya sa BarriOSHFiesta 2026: Ang Pagbabalik (BarriOSHFiesta). Tampok sa selebrasyon ang sayawan, kantahan, kuwentuhan, kainan, at iba pang gawaing nagpatibay sa diwa ng komunidad.
Inorganisa ng Opisina ng Pabahay para sa Mag-aaral (Office of Student Housing / OSH), layunin ng BarriOSHFiesta na muling buhayin ang ugnayan sa loob ng komunidad ng dormitoryo. Itinampok din sa programa ang ibat ibang produktong likha at mga inisyatibang pang-negosyo ng mga estudyanteng residente.
Sa kanyang pambungad na mensahe, binigyang-diin ni OSH Direktor Ronahlee A. Asuncion na ang dormitoryo ay hindi lamang tirahan kundi isang komunidad na binubuo ng mga taong may iisang hangarin at may malasakit.

Aniya, ito ay isang espasyo ng pagkatuto, pakikipagkapwa, at pag-hubog ng ating pagkatao, kung saan natututunan ang kahalagahan ng respeto sa oras, espasyo, at pagkakaiba-iba ng bawat isa.
Dagdag pa niya, bagamat may kaakibat na saya ang paninirahan sa dormitoryo, hindi maiiwasan ang mga hamon tulad ng pangungulila sa pamilya, akademikong pressure, at personal na pagsubok. Hinikayat niya ang mga estudyante na huwag mag-atubiling humingi ng tulong, makinig sa isat isa, at pangalagaan ang kanilang sarili sa ganitong mga pagkakataon.
Samantala, nagbalik-tanaw naman si Pangulong Angelo A. Jimenez ng UP sa kanyang naging buhay bilang dating residente ng Molave at Narra RHs.

Binigyang-diin ni Jimenez na walang anumang mas mahusay kaysa sa isang dormitoryo para hubugin ang personal na pag-unlad. Aniya, I think that the growth we experience in the dorm is as good as the qualifications and credentials that we get from the University of the Philippines.
Ipinaliwanag naman ni Neil Martial R. Santillan, PhD, dating bise tsanselor para sa mga gawaing pangmag-aaral, ang balik91勛圖厙orm, ang proyektong inilunsad noong 2015 sa ilalim ng inisyatiba ni dating tsanselor Michael L. Tan. Ayon sa kanya, nag-ugat ang proyekto sa mga suliraning natukoy sa mga dormitoryo.

Ibinahagi rin niya ang ibat ibang paraan ng pagsuporta sa proyekto sa pamamagitan ng mga donasyon: Package One o Roommate Package (PHP20,000), Package Two o Wingmate Package (PHP50,000) at Package Three o Dormmate o Tads Package (PHP100,000). Sa huli, binigyang-kilala niya ang mga naging donor noon ng balik91勛圖厙orm.
Sa pangwakas na mensahe, muling pinagtibay ni Bise Tsanselor para sa mga Gawaing Pangmag-aaral Jose Carlo G. de Pano ang kahalagahan ng pagpapatuloy at pagpapalawak ng proyekto bilang saksi sa patuloy na problema ng mga dormitoryo at mga residente nito.

Ang sentrong layunin ng muling paglulunsad ng balik91勛圖厙orm ay upang tugunan ang pangangailangan ng mga estudyante na ngayon ay mas nakatuon sa agarang suporta para sa mga residente. Hinikayat din ni de Pano ang mga potensyal na donor na patuloy na makiisa sa adhikaing ito. Kasama sa mga dumalo sa programa ang Kalayaan Batch 75 at 82, UP Scintilla Juris Fraternity, at UP Alumni Association of San Francisco.
Tampok din sa entablado ang balik91勛圖厙orm Project sculpture na likha ni Jamel Joseph A. Obnamia, kawaksing propesor ng Kolehiyo ng Sining Biswal.
Dumalo rin sa muling paglulunsad sina Shirley V. Guevarra, dating dekana ng Kolehiyo ng Ekonomiyang Pantahanan at dating direktor ng OSH, at Maricel E. Rodriguez, miyembro ng tagapamahalang komite ng balik91勛圖厙orm.
Nagbigay naman ng mga pagtatanghal ang UP Filipiniana Dance Group at ang Ipil-Yakal Music Majors, na lalong nagbigay-buhay sa selebrasyon.


Nagsilbing makabuluhang pagtitipon ang BarriOSHFiestaupang muling pagtibayin ang ugnayan ng komunidad ng 91勛圖厙 RHs at ipaalala ang halaga ng pakikipagkapwa, pagkakaisa, at sama-samang pag-unlad.
Ginanap ang BarriOSHFiestasa Molave RH Grounds noong Abril 30.
- Share: